![](https://m.media-amazon.com/images/S/pv-target-images/3ee9a8d1a09e28f67635e83194a12f2561d7217c9cafa6ef359dd5cece804de1._SX1080_FMjpg_.jpg)
![Logo ng channel](https://m.media-amazon.com/images/G/01/primeLogo/primelogo-330x90-v2._V507659160_SY35_FMpng_.png)
Fit Check: Confessions of an Ukay Queen
Season 1
IMDb 5.320238 mga episode
X-RayUHD
Manood gamit ang libreng Prime trial
Mga Episode
- S1 E1 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP1Hulyo 5, 202335minPangarap ni Melanie na maging kilalang fashion designer, ngunit kinailangan niyang mag-umpisang muli mula sa wala nang masunog ang kanyang tindahan ng ukay-ukay. Isang bagong tatak ng damit, ang SFX, ang magbubukas ng bagong pinto para kay Melanie. Sa kabila ng isang pagsubok, mabibigyan siya ng general manager nito na si Chris ng pagkakataong ipakita ang kanyang mga likha sa mga puno ng kompanya.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E2 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP2Hulyo 5, 202341minTuwang-tuwa si Melanie nang purihin ni Georgina ang kanyang mga disenyo. Ang hindi niya alam, balak ni Georgina na gamitin siya upang mapabagsak ang SFX. Patuloy na kukunin ni Georgina ang tiwala ni Melanie sa gitna ng di-pagkakaunawaan ng baguhang designer at ng kanyang mga kasamahan. Samantala, isang taong malapit kay Melanie ang magpapaalala kay Georgina ng kanyang madilim na nakaraan.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E3 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP3Hulyo 5, 202336minDahil sa galing at talento ni Melanie, matagumpay na makakabingwit si Chris ng foreign investor para sa SFX. Ikatutuwa ito ng ama ni Chris, ngunit banta namang ituturing ng kanyang kapatid na si Steve. Sa labis na selos, pahihiyain ni Stella, ang dating kasintahan ni Chris, si Melanie sa harap ng maraming tao. Samantala, muling gagambalain si Georgina ng kanyang madilim na nakaraan.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E4 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP4Hulyo 5, 202336minGagawin ni Chris ang lahat para mabawi ang tiwala ni Melanie. Dahil pareho nilang naramdaman kung paano pagdamutan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang, lalong mapapalapit ang kanilang loob sa isa't isa. Samantala, patatawarin ni Melanie si Stella nang lumapit ito sa kanya at magpakumbaba. Ang hindi alam ni Melanie, magkakuntsaba sina Stella at Georgina para mapabagsak siya at mapaalis sa SFX.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E5 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP5Hulyo 5, 202332minMatapang na ipaglalaban ni Chris si Melanie sa kanyang pamilya sa paniniwalang inosente ang kanyang kasintahan. Samantala, muling itataguyod ni Melanie ang kanyang tindahan ng ukay-ukay. Gagamitin nina Georgina at Stella ang Manila Gala upang mabawi ang reputasyon ng kanilang kompanya. Hindi nila inaasahang gagawa si Melanie ng hakbang upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang suliranin.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E6 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP6Hulyo 5, 202333minIsang komprontasyon sa pagitan nina Melanie at Georgina ang magiging dahilan upang makunan ang huli na tatlong buwan na palang buntis. Dahil dito ay magpapasya si Steve na kasuhan si Melanie. Ipagtatanggol ni Chris ang kanyang kasintahan ngunit paglaon ay makikipaghiwalay siya rito. Habang patuloy na bumibigat ang kanyang sitwasyon, makakatanggap si Melanie ng isang magandang balita.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E7 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP7Hulyo 5, 202332minBibigyan ni Melanie si Georgina ng pagkakataong humingi ng tawad, ngunit wala ni katiting na pagsisisi ang huli. Dahil dito, mababalot ng pighati ang dapat sana'y maligayang kasal nina Georgina at Steve nang ilantad ni Melanie ang lihim ni Georgina. Sa kabila ng pagkakaayos nila ni Chris at ng alok na bumalik siya sa SFX, unti-unting lalamunin si Melanie ng kanyang galit sa kanyang ina.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E8 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP8Hulyo 5, 202338minMakakapagtayo si Melanie ng isang sikat na wedding clothing line, ngunit mapapabayaan niya ang kanyang relasyon sa mga taong nagmamahal sa kanya. Patuloy na ipagtatabuyan ni Melanie si Georgina, dahilan upang kumprontahin ni Dulce ang kanyang apo na nilalamon na ng galit. Mauuwi ito sa isang masakit na insidente na siyang magdudulot kay Melanie upang buksan ang kanyang puso at magpatawad.Manood gamit ang libreng Prime trial
Mga Detalye
Higit pang impormasyon
- Babala sa nilalaman
- Karahasan paggamit ng alkohol masamang wika sekswal na nilalaman
- Mga wika ng audio
- Filipino
- Mga Subtitle
- Filipino English Čeština Deutsch [automatisch] Español Français [auto] עברית Italiano [autom.] Norsk Bokmål Português ไทย
- Mga Direktor
- Nuel NavalDolly DuluRaymund Ocampo
- Pinagbibidahan nina
- Kim ChiuAngel AquinoJake Ejercito
- Studio
- ABS-CBN
Sa pag-click sa i-play, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit.