Prime Video
  1. Iyong account
Logo ng channel

El Cid

Si Ruy Diaz de Vivar ay isang batang katulong na tapat na naglilingkod sa kanyang amo, si Sancho, ang susunod na magiging hari ng Leon at Castile. Habang nagsisikap siyang maging pinakamagaling sa Korte, buti na lang magaling siya sa espada, naipit siya sa isang sabwatan para patalsikin ang hari, na magdudulot ng pagdanak ng dugo, hirap at kamatayan sa Kristiyanong kaharian at sa mga Muslim.
IMDb 6.820205 mga episode
X-RayHDRUHD16+
Manood gamit ang libreng Prime trial

Mga Episode

  1. S1 E1 - ANG SABWATAN
    Disyembre 17, 2020
    1 h 12 min
    16+
    Sa kalagitnaan ng ika-11 na siglo. Si Ruy es, isang batang lalaki, ang naging eskudero para kay Prinsipe Sancho, ang panganay na anak ni Haring Fernando ng León. Isang gabi, natuklasan niyang isang taong malapit sa kanya ay kasabwat sa pagpapabagsak sa Hari. Mula noon, naipit si Ruy sa gitna ng kanyang katapatan sa tungkulin at sa kanyang minamahal.
    Manood gamit ang libreng Prime trial
  2. S1 E2 - ANG PAGSUBOK
    Disyembre 17, 2020
    54min
    16+
    Hinahanap ni Flaín ang sumira ng kaniyang mga plano. Alam ni Rodrigo na apo niya iyon, kaya naman gusto niya siyang ipadala sa Vivar. Sa kabilang banda, ayaw umalis ni Ruy kahit pa siya ay nanganganib sapagkat may nakikita siyang solusyon para tapusin ang buhay ng Konde. Noong akala nila ay matatapos na ang lahat, biglang nagpakita ang hukbo ng Navarre at nagdeklara ng giyera laban sa León.
    Manood gamit ang libreng Prime trial
  3. S1 E3 - BARAKA
    Disyembre 17, 2020
    52min
    16+
    Pinadala ni Fernando ang anak na si Sancho kasama ang isang maliit na hukbo sa Zaragoza upang puntahan ang kapatid niyang si Ramiro, ang Hari ng Aragon. Bago umalis kasama si Sancho, isiniwalat ni Ruy sa Hari ang tangkang pagpatay sa kanya ni Flaín. Nagsimulang mag-imbestiga si Fernando sa mga nagtaksil sa kanya. Umalis si Ruy sa León nang hindi alam na may pinadala si Flaín para patayin siya.
    Manood gamit ang libreng Prime trial
  4. S1 E4 - ANG KAMPEON
    Disyembre 17, 2020
    58min
    16+
    Ang hukbo ng Castile kasama sina Sancho at Ruy ay nakikipaglaban sa mga Aragonese. Nang mukhang wala ng pag-asa, may hindi inaasahang nangyari. Sa León, natuklasan ni Fernando ang mga nagtaksil sa kanya, kasama na ang kaniyang asawa na si Sancha. Hindi namalayan ng Hari na ang kaniyang anak na si Urraca ay gumawa ng isang desisyong makapagbabago ng balanse ng kapangyarihan ng kaharian habambuhay.
    Manood gamit ang libreng Prime trial
  5. S1 E5 - ANG KABAYARAN
    Disyembre 17, 2020
    60min
    16+
    Matapos ang sunud-sunod na pagkakasakit ni Fernando, nakabalik na si Sancho at ang hukbo nito sa León. Sinabi ni Ruy sa lolo niya na iniutos ni Flaín na patayin siya. Alam ni Rodrigo na nasa panganib ang buhay ni Ruy. Sa kabilang banda, hindi tumitigil si Flaín sa kaniyang misyon na pabagsakin ang naghihingalong Hari at makuha ang trono bago siya mamatay. Hindi niya alam na may tinatago si Urraca.
    Manood gamit ang libreng Prime trial

Mga Detalye

Higit pang impormasyon

Babala sa nilalaman
Paghuhubadkarahasanpaggamit ng substansyapaggamit ng alkoholmasamang wikasekswal na nilalaman
Mga wika ng audio
English (Australia)DeutschPolskiEnglish (Canada)PortuguêsEspañolEspañol [descripción de audio]English (South Africa)日本語
Mga Subtitle
FilipinoEnglishالعربيةČeštinaDanskDeutschΕλληνικάEspañol [CC]SuomiFrançaisעבריתहिन्दीMagyarIndonesiaItaliano日本語한국어Bahasa MelayuNorsk BokmålNederlandsPolskiPortuguês (Brasil)Português (Portugal)RomânăРусскийSvenskaதமிழ்తెలుగుไทยTürkçe中文(简体)中文(繁體)
Mga Direktor
Adolfo Martínez PérezMarco A. Castillo
Mga Producer
ZEBRAJose VelascoSara Fernández-Velasco
Pinagbibidahan nina
Jaime LorenteAlicia SanzFrancisco Ortiz
Studio
Amazon Studios
Sa pag-click sa i-play, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit.